Kadayawan Festival Commemorative Coin

KADAYAWAN FESTIVAL COMMEMORATIVE COIN, MABIBILI NA SA BSP ONLINE STORE SA 20 AUGUST 2026, 10AM

Ibinibida ng barya ang Kadayawan Festival ng Davao City. Ang pista ay pagkilala sa kasaganaan ng kalikasan at makulay na kultura ng mga Davaoeño.

Ito ang ika-walo na barya sa “Pista sa Pilipinas” Commemorative Coin Series ng Bangko Sentral ng Pilipinas na binubuo ng 12 pilak na barya. Itinatampok sa serye ang iba’t ibang pistang pangkultura at panturismo ng bansa.

🔵 Limitado ang suplay. Mabibili lamang sa BSP Online Store (bspstore.bsp.gov.ph).

PAALALA: HINDI NA TATANGGAP NG WALK-IN ORDERS SA MISMONG BSP STORE (G/F THE BSP HUB, MALATE, MANILA)

*Mabibili ang bawat commemorative coin sa halagang ₱5,000.00. May legal tender value na ₱100 ang bawat barya.


PISTA SA PILIPINAS

The 100-Piso Philippine Festivals Commemorative Coin Series

KADAYAWAN FESTIVAL

Hango sa salitang “dayaw” na nangangahulugang

“anumang kahusayan na nagdudulot ng magandang kapalaran,” ang Pista ng Kadayawan ay pasasalamat ng Davao sa kasaganaan ng kalikasan at makulay na kultura. Tampok clito ang mga lokal na ani, sining, sayaw sa kalye, parada ng mga float na may bulaklak, at paligsahan.


PISTA SA PILIPINAS

The 100-Piso Philippine Festivals Commemorative Coin Series

KADAYAWAN FESTIVAL

Durian

Disenyo sa barya na hango sa kasuotan ng mananayaw

Patterns na kumakatawan sa ll ethnolinguistic

Tribes ng Davao.

Makulay na pagdiriwang ng buhay at pasasalamat sa kalikasan, kultura, at masaganang ani. Dating tinawag na Apo Duwaling, bilang pagpupugay sa Bundok Apo, durian, at waling-waling.

Disenyong diamante sa gilid ng barya na simbolong buwan ng agdiriwang ng pist: walo para sa Agosto


Related


Source: Davao City Office for Culture & Arts Facebook page: https://www.facebook.com/share/p/1Un1VTjY6c/